Una sa Balita

Meet Me Halfway

By
0 309

Ika-12 na labas

After work ay muling dumiretso si Gillian sa apartment ni Scott. Nadagdagan ang panlulumo niya nang malamang hindi pa rin ito bumabalik. Kinontak niya ulit si Mabel. Hindi pa rin daw pumasok si Scott.

Abante Hiring – IT dep

Hinalungkat ni Gillian ang drawer ni Scott. Nagbabakasakali siyang may mahanap na ­address ng mga magulang nito o kahit na sinong kamag-anak. Wala siyang nakita. In-open niya ang computer ng binata at binuksan ang Facebook niya at binrowse ang facebook timeline nito.

Nagdadalawang isip siya kung magpo-post sa wall ng binata na nawawala ito o pm sa mga personal friends nito na nasa fb rin… hindi siya makapag-decide.

Tumayo siya at nagpalakad-lakad sa harap ng nakabukas na computer.

“Oh God help me… tell me what to do…please…”

Naisipan niyang gumawa ulit ng notes.

“My love, please let me know if you’re here na… sobra mo na akong pinag-aalala…”

Maski sa bahay ay napansin ang kawalan ng kibo ni Gillian.

“Anak, may problema ka ba?” tanong ni Aling Rosa nang makitang nakapangalumbaba si Gillian sa mesa at tila malalim ang iniisip.

“W-wala po inang…”

“Talaga?” hindi kumbinsido si Aling Rosa.

Tiningnan ni Gillian ang ina na tila tinatantya ito kung pwede ba niyang sabihin ang tungkol kay Scott.

Nagpatuloy sa paghahain ng hapunan si Aling Rosa, pero ang mga mata ay nakasubaybay sa anak.

“Gillian, sige na, sabihin mo na, ano ba’yon?”

Tinulungan ni Gillian ang ina sa paglalagay ng mga plato sa mesa bago nagsalita.

“Inang… si Scott po kasi, hindi pa siya umuuwi mula kagabi…”

Napahinto sa ginagawa si Aling Rosa.

“O, e baka naman may pinuntahan lang…”

Related Posts

“Kung may pinuntahan po siya, siguradong ipapaalam niya po ‘yun sa’kin…”

“Baka biglaan. Emergency. Bakit hindi mo tawagan?”

“Hindi ko na ho makontak ang cellphone niya… saka ‘nay, lahat ng gamit niya nandoon pa naman po sa apartment… nag-alala po ako baka may nangyari sa kanya…”

Nagpatuloy si Aling Rosa sa ginagawa.

“Ayoko talaga sa lalaking ‘yon para sa’yo, pero ayoko rin namang may mangyari na hindi maganda sa kanya. Maghintay-hintay ka muna at pasasaan ba’t babalik din ‘yon sa apartment niya.”

Pagkatapos kumain ay nagkulong na sa­ ­kuwarto niya si Gillian. Hindi maalis sa isip niya sa Scott. Palakad-lakad siya sa loob ng silid hawak ang cellphone niya.

“Come on love, call me…”

Hindi na nakatiis ang dalaga. Lumabas ito ng silid at nilapitan ang ina at ama na nanonood ng t.v. sa salas.

“Inang, itang… magpapaalam po sana ko…pwede po bang doon na muna ako sa apartment ni Scott?”

Nagkatinginan ang mag-asawa.

“P-pasensya na po, pero hindi po talaga ako mapalagay eh…”

“Rosa, sige na, payagan mo na ‘yang anak mo, kaysa naman para ‘yang pusang hindi mapakali kakaikot sa kuwarto niya.”

Saglit na nag-isip si Aling Rosa. Nagbuntong-hininga bago tumugon.

“Oo na, sige na, papayagan kita. Pero utang na loob anak, kalmahin mo ang sarili mo at anuman ang mangyari, naghihintay kami rito ng itang mo, puntahan mo agad kami.”

“OPO!”

Kahit paano ay nakagaan sa loob ni Gillian ang pagpayag ng mga magulang sa pansamantala niyang pananatili sa apartment ng nobyo.

Subalit nakatakda siyang muling madismaya nang lumipas ulit ang gabi na hindi pa rin bumabalik si Scott. Hanggang sa ang dalawang gabi ay maging tatlo, apat, at abutin na ng isang buwan.

“Sige lang bff, iiyak mo lang…” si Riza na nasa tabi ni Gillian habang umiiyak ito. Magkatabi silang nakaupo sa sofa ng apartment.

“Hindi ko maintindihan Riza, nagpunta na tayo sa mga presinto, sa ospital, nag-post na’ko sa Facebook, nakausap ko na rin lahat ng mga kaibigan niya, kaibigan namin na pwede kong pagtanungan, pati ‘yung auntie niya, pero lahat sila walang alam…”

“Bakit hindi natin puntahan doon sa probinsya nila, kung saan nakatira ‘yung parents niya?” (Itutuloy)