Una sa Balita

Meet Me Halfway

By
0 309

Ika-11 na labas

Tinitigan ng dalaga ang cellphone niya. Maya-maya ay muling niyang idinayal ang cellphone number ni Scott. Pero hindi na talaga niya ito makontak.

Abante Hiring – IT dep

Tumayo siya at pumasok sa silid. Tiningnan niya ang aparador nito.

“Nandito pa naman lahat ng damit niya…”

Naupo siya sa kama at saglit na nag-isip.

“B-baka kung ano nang nangyari sa kanya… ‘wag naman sana… sana meron lang siyang pinuntahan or dinaanan tapos na-lobat siya kaya hindi ko siya makontak… sana ganu’n lang Lord…”

Nagpasya si Gillian na magpalipas ng gabi sa apartment para malaman agad niya ang pagdating ni Scott. Nahiga siya sa kama at nanalangin na sana ay dumating na ang nobyo. Hindi siya tumigil ng kakapanalangin hanggang sa makatulugan niya ito.

Nang magising ay tila naalimpungatan siya at napabalikwas ng bangon. Tiningnan niya ang pambisig na orasan. Madaling-araw na!

Inilinga ng dalaga ang paningin. Wala pa rin si Scott. Tumayo siya at lumabas ng silid.

Tinungo ang kusina at banyo pero wala din doon ang nobyo. Nang matiyak na hindi pa umuuwi si Scott ay lumaki ang pag-aalala ni Gillian. Nagsimulang mangilid ang luha niya.
“Nasaan ka ba?”

Binuksan ni Gillian ang pintuan ng apartment at tumanaw sa labas. Ni anino ng binata ay wala siyang matanaw mula sa malayo.

Hanggang sa trabaho ay laman ng isip ni Gillian si Scott. Labis ang pag-aalala niya para rito. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Binabalot siya ng kalungkutang ngayon lang niya naramdaman sa tanang buhay niya.

Related Posts

“Oy bff, anyare? ‘Diba dapat super ganado ka sa trabaho ngayon dahil promoted ka na?” ani Riza na siniko siya nang mapansin ang malungkot niyang mukha habang nagtatrabaho.
“Bff, ano kasi eh… si Scott…”

“O, bakit? teka, ano nga palang reaction niya? Naibigay mo na ba ang matamis mong “I DO?”

“Hindi eh, kasi… nawawala siya…”

Nanlaki ang mga mata ni Riza.

“Ano kamo? Nawawala, sa laki niyang ‘yon?”

“Riza, I’m not kidding.”

“Talaga? pero…”

“Hindi siya umuwi kagabi… naghintay ako hanggang umaga at hindi ko rin makontak ang cellphone niya.”

“Naku ha, smells fishy, baka naman…”

“No Riza, kung anuman ang iniisip mo, hindi siya gano’n klaseng lalaki, I know him so well…”
“Okay fine, but let me remind you Gillian, hindi pa kayo nagsasama sa iisang bubong ni Scott, kaya I bet hindi mo pa siya kilala from head to toe.”

“Ipagpalagay na, na marami pa nga akong hindi alam sa kanya… pero I don’t think magagawa niya akong iwan sa ere ng ganu’n-ganon na lang, he’s not that kind… iba ang kutob ko eh…”

“So, ano ang kutob mo?”

“Feeling ko may nangyaring hindi maganda sa kanya… pero nagdarasal pa rin ako na sana mali ako…”

“Okay, help kitang mag-pray, pero focus ka muna sa work, baka mapansin ka ni manager naglilibot pa naman siya ngayon, nandoon siya sa kabilang line oh.” Sabay nguso ni Riza sa manager nila. (Itutuloy)