Una sa Balita

Meet Me Halfway

By
0 322

Ika-10 na labas

Naisipan ng dalaga na mag-iwan na lang ng notes na idinikit niya sa ref. Alam kasi niya na pag dumarating si Scott ay nagbubukas agad ito ng ref para uminom ng tubig.

Ang inilagay niya sa notes ay isang simpleng “I do…” tapos dinrowingan pa niya ng dalawang singsing na magkapatong. At saka hinalikan niya ang papel kaya bumakat dito ang lipstick niya.

Pagdating naman ni Gillian sa bahay nila ay nasorpresa siya. Isang tarpaulin ng congratulations ang nakadikit sa wall nila, may cake sa mesa at naroon si Riza katabi ang inang at itang niya. Higit sa lahat ay natuwa siya sa paglapit sa kanya ng inang niya para yakapin at batiin siya.

“S-salamat po inang…”

Binalingan ni Gillian si Riza.

“Hoy, ikaw kaya ba hindi ka nag-ot para lang dito?”

“Opo, ‘wag ng manermon mag-thank you na lang!”

“Okay fine, thank you so much bff!”

Sinikreto ni Riza si Gillian.

“O, anong sabi ng jowa mo? Malamang naglulupasay sa tuwa ano?”

“Hindi…”

“What? Hindi siya natuwa?”

“H-hindi pa niya alam… kasi hindi pa siya umuuwi, baka hindi na naman pumasok ‘yung kapalitan niya kaya malamang overtime na naman siya…”

Related Posts

“Hmp, wrong timing naman ang overtime na ‘yan, kung kelan may maganda kang balita.”

“Ssshhh, ‘wag na nating pag-usapan, tatawagan ko na lang siya mamaya.”

“Okay fine.”

Gabi. Nakailang dial na si Gillian sa phone ni Scott pero panay ring lang ito.

“C’mon, Scott, pick up the phone, answer me please…”

Nagsimulang mag-alala ang dalaga. Lumalalim na kasi ang gabi. At hindi siya sanay na hindi niya nakokontak ang nobyo.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sariling kama. Nagpalakad-lakad siya. Nagdadalawang isip kung magpapaalam ba sa inang niya o tatakas na lang ulit.

Sa huli ay pinili na lang niyang tumakas muli. Ayaw kasi niyang mag-alala pa ang mga ito kapag lumabas pa siya sa ganitong oras ng gabi.

Nadagdagan ang pag-alala niya nang pagdating sa apartment ay wala pa rin doon ang nobyo. Naisipan niyang tawagan ang kakilala niyang isa sa mga staff nito.

“Hello Mabel, kanina ko pa kasi tinatawagan si Scott pero hindi siya sumasagot hanggang sa cannot be reached na ang phone niya, nandiyan pa ba siya?”

“Ha? E Gillian, hindi naman pumasok si Sir Scott eh. Saka wala na ko sa store, nakauwi na ko.”

“What?”

“Marami nga siyang dapat pirmahan kanina pero hindi siya pumasok kaya ang daming pending work sa table niya na iniwan na lang namin doon.”

“G-ganon ba… okay sige, salamat na lang.”

Nanlulumong naupo sa sofa si Gillian.

“Scott, nasaan ka ba?…” (Itutuloy)