Una sa Balita

Medication, hindi alcohol

By
0 4

Lumabas nitong Lunes ang larawan ni Tiger Woods, wala sa golf course kundi kuha mula sa Palm Beach County Jail sa Florida.

Walang ekspresyon ang mga mata, kita ang numinipis na buhok, ragged ang balbas, pu­ting T-shirt.

Inaresto ang dating isa sa pinaka-dominanteng mukha sa sports dahil sa DUI (driving under the influence) at halos apat na oras din sa presinto bago pinakawalan.

Depensa ni Woods, hindi alcohol ang dahilan ng kanyang pagkaka-aresto kundi prescription medicine.

“I want the public to know that alcohol was not involved,” aniya. “What happened was an unexpected reaction to prescribed medications. I didn’t realize the mix of medications had affected me so strongly.”

Humingi siya ng paumanhin sa kanyang pamilya, mga kaibigan at fans. Apat na buwan nang hindi pumapalo sa golf si Woods, 14-time major champion na No. 2 sa PGA Tour history sa 79 victories. Sa pang-apat na pagkakataon ay sumailalim si Woods sa operasyon sa kanyang likod noong April 20.

Noong November 2009, nabangga ng minamanehong SUV ni Woods ang fire hydrant sa labas ng kanyang bahay sa Windermere, Florida. Pagkatapos niyon ay nabunyag ang kanyang extra marital affairs. Nag-divorce sila ng kanyang asawang si Elin Nordegren noong 2010, at nagkaroon din siya ng relasyon kay Olympic ski champion Lindsey Vonn.