Una sa Balita

Medical marijuana batas na — Sotto

By
0 348

HINIKAYAT ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang mga personalidad lalo na ang mga mambabatas na nagsusulong na gawing ligal ang medical cannabis na basahin ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ipinaliwanag ni Sotto na nakapaloob na sa naturang batas na pinapayagan ang paggamit ng marijuana para sa medikasyon.

Nakasaad aniya ito sa Section 2 ng natu­rang batas.

“The government shall however aim to achieve a balance in the national drug control program so that people with legitimate medical needs are not prevented from being treated with adequate amounts of appropriate medications, which include the use of dangerous drugs,” saad sa batas.

Nakabatay din aniya ito as Compassionate Special Permit Circular No. 2014-009 ng Food and Drugs Administration (FDA).

Alinsunod sa report ng FDA hanggang noong October 2017, nasa 50 aplikasyon kada buwan para sa mga compassionate special permit ang kanilang tinatanggapp na ang karamihan ay para sa cancer medication.
“As of Septemer 30, 2017, 583 out of 585 applications were granted. In 2016, 558 out of 565 applications were approved,” ayon pa sa report ng FDA.

“That’s in the law already. May mga hindi nakakaalam, ang iba legislators pa naman,” saad ni Sotto.

Dahil dito, naniniwala si Sotto na pag-aaksaya lang ng oras kung magsasagawa pa ng mga public hearing kaugnay sa mga panukala para gawing ligal ang paggamit ng medical cannabis.

Mariin ding tinutulan ni Sotto ang panukala na magtatag ng sariling Research Institute ang gobyerno para sa medical cannabis na masyado aniyang magastos.

Bukod dito, posible rin aniyang maabuso kung papayagan ang pagtatanim ng marijuana na gagamitin sa research.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy