Una sa Balita

Medical clinics inayudahan ni Jordan

0 3

CHARLOTTE, North Carolina — Nagbigay donasyon si Hornets owner Michael Jordan nang tumataginting na US$7 million para makapaglunsad ng medical clinics na manganga­laga sa halos 35,000 mga bata’t nakatatanda sa isang mapanganib na komunidad dito.

Pinakamalakin­g pilantropong pagdodonasyon ito ng former NBA champion.

Itutustos ang pinagkaloob niya sa dalawang Novant Health Michael Jordan Family Clinics, na tinatayang mag-opperasyon sa 2020.

“It is my hope that these clinics will help provide a brighter and healthier future for the children and families they serve,” tugon noong Lunes (Martes, Manila time) ni Jordan, na laking-North Carolina.

Ayon sa spokeswoma­n ni Jordan na si Estee Portnoy, naging motibasyon ng 54-year-old NBA great ang lumabas sa pag-aaral na nasa pinakamasakla­p na estado ang mga dukhang kabataan na nasa Charlotte buhat sa 50 lungsod ng US, at nais silang maiangat sa kahirapan ng dakilang basketbolista.

Hinirit niya na ang clinics ang magiging daan ng mga tagaroon para sa abot-kaya pero mataas na uring serbisy­o sa pangangala ng katawan – kabilang ang ugaling pangkalusugan, physical therapy, socia­l work, oral health at famil­y planning – sa mga individuals na may maliit lang o mga walang health care.