Una sa Balita

Medical cannabis bill lusot na sa House committee

By
0 112

Inaprubahan na House Committee on Health ang kontrobersyal na House Bill No. 180 (Providing compassionate and right of access to medical cannabis and expanding research into its medicinal properties) o Philippine Compassionate Medical Cannabis Act.

Dumaan sa masu­sing konsultasyon sa mga pasyente, advocacy groups, health care practitioners, at mga eksperto ang regulasyon ng ‘controlled substances’ para sa medical use.

Ang naturang panukala ay iniakda ni Isabela Rep. Rodolfo T. Albano III.

Puntirya ng panukala na gawing legal ang medikal na paggamit ng cannabis o marijuana para sa mga pasyenteng may malubhang sakit.

Salig din sa panukala ang pagtatag ng Medical Cannabis Compassionate Centers (MCCC) na lisensyado ng Department of Health (DOH).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy