Una sa Balita

Media inokray ng senatoriable

0 350

IMBES na magpalapad ng papel, nakahanap pa ng kalaban ang isang kandidato sa pagka-senador matapos tarayan ang mga kagawad ng media.

Nangampanya raw sa isang malayong lalawigan sa Visayas ang kandidato at sa isi­nagawang press confe­rence, i­nokray ang mga media na nagko-cover sa kanya.

Banat pa niya, masyadong mahal daw ang bayad sa mga komersyal sa telebisyon kaya’t hindi siya makapag­lagay ng maraming ads.

Napanganga lang daw ang mga kagawad ng media na pinagsabihan ng senatoriable, eh paano ba naman kasi ay mga peryodista lamang sila sa probinsya at wala naman silang kinalaman sa mga television network na sumisingil nang mahal sa ads.

Ang classic nito, kilalang mayaman ang senatoriable pero takot gumastos para masiguro ang panalo niya sa darating na halalan.

Pintahan n’yo na. Ang senatoriable na nagtaray sa mga provincial correspondent ay taga-Luzon at may letrang M sa kanyang pangalan as in Money.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy