Una sa Balita

Media ID ng mga Senate MRO ipapatanggal

0 172

Kinukuwestiyon ng ilang lehitimong miyembro ng media na nagkokober sa Senado ang diumano’y hindi tamang pag-isyu ng Press ID sa media relation officer (MRO) ng mga senador at iba pang kawani ng Senado.

Ayon sa ilang media na nakausap ng Abante, maghahain sila ng petisyon kay Senate Secretary Atty. Myra Villarica para bawiin ang media identification card na dati pang inisyu ng mga nagdaang opisyal ng Public Relation and Information Bureau (PRIB) ng Senado.

Ipinagtataka ng mga tunay na media na nakatalaga sa Senado kung bakit kailangang isyuhan ng media/press ID ang MRO ng mga senador gayong hindi naman sila kasapi ng media industry.

“The distinction is clear. The MROs represent the office/s of their principals and not any of the mediums in news reporting, thus, they do not need media IDs as they already have Senate IDs,” paha­yag ng isang beteranong reporter ng nagkokober sa Senado.

“Simple logic likewise dictates that they are govern­ment employees and already have one official­ ID – the Senate ID, which is an all-access ID,” dagdag pa nito.

Taong 2001 pa umano nagsimula ang pag-isyu ng media ID para sa mga MRO at taon-taon nila itong nire-renew.

Bukod sa MRO ng mga senador, inisyuhan din ng mga dating opisyal ng PRIB ang ilang mga staff na mga ito, kabilang ang mga graphic artists, in house videographers at photographers at ilan pang casual employee na nakatalaga din sa naturang departamento. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy