Una sa Balita

Media, huli sa extortion at shabu sa Mindoro

By ,
0 1,383

ISANG nagpakilalang miyembro ng media ang inaresto ng pulis dahil sa reklamong extortion kamakalawa nang hapon.

Kinilala ni PRO MIMAROPA Regional Director ang suspek na si Clemente Rolando Comendador, taga-Bara­ngay Dalahican, Lucena City.

Ayon kay Licup, nagreklamo sa Naujan Municipal Police si Beatriz Austria, may-ari ng Funeraria Naujan dahil sa puwersahang pangongotong umano sa kanila ng suspek ng halagang P6,000.

Nagpakita umano ito ng identification (ID) card bilang civil relations and public safety coordinator at isang media roving reporter ng dalawang pahayagan.

Kaagad nagkasa ng operasyon ang pulisya at dinakip ang suspek.

Sinabi ni Licup na base sa driver’s license ng suspek, Deonilo Aranco Jr., ang tunay na pangalan nito at residente ng Dau, Mabalacat City, Pampanga.

Dagdag pa ni Licup, nakuha din sa bag ng suspek ang isang sachet ng shabu.

Inihahanda na ng pulisya ang patong-patong na kaso na isasampa laban sa suspek.