Medal of merit sa 4 pulis-Zambo

By

Apat na pulis sa Zamboanga ang pinarangalan ng Philippine National Police (PNP).

Partikular na tumanggap ng medal of merit kamakalawa ang hepe ng Station 6 Zamboanga City Police na si Sr. Insp. Rolito Asdal at tatlong tauhan nito na mismong si PNP chief Director General Ronald dela Rosa ang naggawad.

Ang parangal ay bunsod ng pag-aresto nang buhay ng mga ito sa isinagawang buy-bust operation laban sa dalawang high value target sa lugar.

Base sa record, September 30 nang maaresto ng grupo ni Asdal sa kanilang operasyon ang mga kilalang drug pushers na sina Fritz Garcia at Aiza Garcia sa Barangay Kasanyagan, Zamboanga City.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang may P1.2 milyong halaga ng shabu.

Sinabi ni Dela Rosa na pagpapakita ito na hindi nila binabalewala ang mga magagandang accomplishment ng kanilang mga tauhan lalo na sa mga pulis na gumaganap nang maayos sa kanilang tungkulin. 

SHARE