Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

MECQ extension isinisi sa mga community pantry

0 54

Nakatikim kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tumutulong sa gitna ng pandemya subalit hindi sumusunod sa mga pag-iingat laban sa COVID-19.

Sa kanyang ‘Talk to the People’ kamakalawa ng gabi, sinabi ng Pangulo na nagdagsaan at nagkumpulan ang mga tao na hindi malayong nalagay sa peligro sa COVID ang mga ito.

“You know, there are people who really do not know what they a doing. Sabi nila we are ignorant. May isang babae na ano. I was not referring to her, I do not even know her. I just heard it sa TV,” anang Pangulo.

Kung tutulong aniya ay dapat na ipaalam sa barangay para maalalayan at maipatupad ang tamang pag-iingat para hindi makapag-uwi ng virus sa pamilya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“People were swarmin­g. It might not be the first thing that you did with your idea but from there, it generated itong mga ganito. So nagkalapit-lapit hanggang tumaas na naman,” dagdag ng Pangulo.

Dahil dito, napilitan aniya ang gobyerno na magpatupad na naman ng quarantine para malimitahan ang mga tao sa paglilipat ng virus sa mas maraming indibidwal.

Tinawag ni Pangulong Duterte na nagdudunong-dunungan ang ibang gustong makatulong subalit hindi alam ang epekto ng kanilang ginawa, at kapag nagkaproblema ay isisi sa gobyerno.

Matatandaang dinumog ng mga tao ang community pantry ng aktres na si Angel Locsin at hindi nasunod ang health protocols, kung saan isang matandang lalaki ang hinimatay at binawian ng buhay. (Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.