McGregor tumulong kontra Coronavirus

0 363

TUMULONG ang mixed martial arts star na si Conor McGregor sa paggasta ng isang milyong euros sa pagbili nito ng protective equipment para sa mga hospital staff na nangangalaga sa mg apasyente na may coronavirus sa Ireland.

Mismong si McGregor ang nagpadala ng mensahe kay Republic of Ireland Minister for Finance Paschal Donohoe bago nito inihayag ang laman ng kanyang mensahe sa kanyang Twitter page.

Sinabi naman ni Donohoe kay McGregor na sabihan ang 7.9 milyon nitong Twitter follower na sundin at isagawa ang social distancing.

“Today I am purchasing myself, one million euro worth of personal protective equipment to be deployed to all the fighting hospitals in the Leinster region. Our most affected region, to this date,” sabi ni McGregor.

“St James’s, Mater, Tallaght, Beaumont, Vincent’s (hospitals). Where we would be without these brave men and women, I do not know. May God bless over them and keep them safe!”

Nanawagan din si McGregor sa Irish government na mas palawigin at palawakin ang kampanya para labanan nito ang virus at iimplementa ang mas mahigpit na lockdown measure.

“I feel like we are moving in the right way, it just feels to me like it is not all the way,” sabi nito.

“I urge all the way! ‘All in’ is the term we must use here. Bit by bit will cost us lives.“To see what is happening here in Ireland and all across the globe is heartbreaking to me. I pray.” (Lito Oredo)

Abante – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...