Una sa Balita

McGregor hinamon si Wahlberg, tinawag pang ‘Hollywood actress’

0 444

MAKARAAN ang kanyang anunsyong pagreretiro sa mixed martial arts ilang araw pa lang, hinamon naman ni dating two-division Ultimate Fighting Championship (UFC) ­titlist Conor Anthony McGregor ng Ireland sa duwelo ang Hollywood star na si Mark Wahlberg, Linggo (Manila time).

“@TheNotoriousMMA: I’ve decided to challenge Hollywood actress Mark Wahlberg next. A fight for all the shares!” giit ng Irish sa kanyang Twitter account.

Huling nakita sa aksyon si “Notorious” noong Oktubre sa UFC 229 event kung saan natalo ito kay lightweight champion Khabib Nurmagomedov ng Russia at humantong pa sa balibagan makalipas ang labanan.

Ilang araw pa lang matapos ang kanyang anunsyo, inakusahan naman ang “Mystic Mac” sa alegasyong sexual assault at iniimbestigahan na ito ng mga awtoridad ng Ireland.

Kaugnay nito, klaro na may criminal charges ngayon ang 30-year-old Irish superstar sa insidenteng pag-atake nito sa isang bus ng UFC fighters sa Brooklyn.

Wala mang kinalaman sa MMA fight at ‘di inaasahan ng lahat, malakas ang ­panawagan ni McGregor para sa kanya ring UFC shares.

Wala pang pahayag ang Kanong si Wahlberg sa panunudyo ni McGregor. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy