Una sa Balita

McDaniels, Durham rambulan sa Game 1

0 367

walang kapa-kapatid!

Semis 2 ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
6:30 pm – TNT vs. Meralco

BABASAGIN ng TNT at Meralco ang kanilang PBA Governors Cup semifinal series mamayang alas-6:30 nang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ayon kay Bong Ravena, mas liyamado sa kanila ang Bolts sa best-of-five series.

“Game 1 is a must-win,” anang TNT coach. “We have to come out really strong for we are the underdogs, not them.”

Sa isang laro lang dinispatsa ng dalawa ang mga nakatunggali sa quarterfinals – unang sinipa ng Meralco ang Alaska noong November 24, kinabukasan ay inilaglag ng TNT ang defending champion Magnolia.

Sa nag-iisang matchup sa eliminations, naigapang ng KaTropa ang 116-113 win noong Oct. 12. Umahon pa ang KaTropa mula 19-point deficit bago ninakaw ang panalo sa sister team ni coach Norman Black.

Nagliyab ng 51 points si KJ McDaniels sa larong ‘yun, solido rin ang kontribusyon nina RR Pogoy at Jayson Castro. Plus 10 sa fastbreak points doon ang TNT na kumonekta ng 14 mula downtown.

Ang near triple-double ni Allen Durham na 43 points, 12 rebounds at 9 assists ang bumuhat sa Bolts pero kinapos sa dulo. Papasok sa laro ngayon, kailangan niya ng suporta ng locals tulad nina Baser Amer, Chris Newsome,­ Allein Maliksi at Raymond Almazan.

Tapos ng laro, nagbalasa ng lineup ang dalawang teams. Nakuha ng TNT si Bobby Parks mula Blackwater noong Nov. 3 ilang araw tapos hugutin ng Bolts si Maliksi mula Elite rin. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy