Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

McCullough, Lillard rumatrat sa OT

0 362

PINAGTULUGAN nina CJ McCollum at Damian Lillard ng Portland Trail Blazers ang Memphis Grizzlies sa overtime para sa 140-135 tagumpay kahapon sa pagpapatuloy ng 2019-2020 NBA season sa Disney World sa Orlando, Florida.

Nagsanib ng pinagsamang 11 puntos sa extra five minutes sina CJ at Damian upang tumapos ng 33 at 29 markers, ayon sa pagkakasunod, upang palakasin ang tsansa ng Portland sa ikapitong sunod na playoffs appearance.

Nag-ambag ng 21 marka ang beteranong kamador na si Carmelo Anthony para sa Blazers.

Dalawa’t kalahating laro na lang sa likod ng No. 8 Grizzlies sa Western Conference ang Blazers matapos ang panalo. (Ferdz Delos Santos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.