Una sa Balita

McCullough, Fajardo kutsabahan vs RoS

0 237

By Vladi ­Eduarte

Sumakay ang San Miguel Beer kina Chris McCullough at June Mar Fajardo para takasan ang Rain or Shine 89-87 sa Petron Blaze Saturday Special ng PBA Commissioner’s Cup sa Cagayan de Oro City.

Nakatatlong sunod­ na panalo sa gayunding­ dami ng laro si McCullough sapul nang palitan si Charles Rhodes, mas importante ay nakasiguro na ng puwesto sa quarterfinals ang Beermen na umangat sa 5-5.

Nilista nina McCullough at Fajardo ang huling 11 points ng Beermen.
Sa 3-pointer ng import na sinundan ng slam ni Fajardo ay umagwat ang San Miguel sa 89-82.

Tumapos si McCullough ng 24 points mula sa 8 of 24 shooting, may 17 rebounds, 4 assists at 5 blocks pa.

Nagsumite si Fajar­do­ ng 23 markers, 15 boards at 3 swats. Umayuda ng 13 points si Terrence Romeo na 3 for 6 sa 3-pointers sa kabila ng na-dislocate na hinliliit.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy