Una sa Balita

McCullough balik SMB ‘pag nasupalpal sa NBA

0 640

UMAASA si Chris McCullough na makakabalik sa paglalaro sa NBA sa papasok na season.

Uuwi muna ng US si McCullough pagkatapos ihatid ang San Miguel Beermen sa titulo ng PBA Commissioner’s Cup nitong Biyernes nang kumpletuhin ang 4-2 series win laban sa TNT Ka-Tropa.

“Hopefully, I’ll be back in the NBA next year,” anang 24-an-yos na 6-foot-9 power forward na 29th pick ng Brooklyn Nets noong 2015 NBA draft.
“If not, I’ll be back at San Miguel.”

Sapul noong high school days niya sa Salisbury School, ngayon lang ulit tumikim ng kampeonato si McCullough.

Isa pa sa kanyang wishlist ang makapaglaro sa Gilas Pilipinas, bagama’t mahabang proseso ang dadaanan bago siya maging naturalized player.

“I wanna play, man,” giit ni McCullough. “If I get natura-lized, I wanna play. It’s an opportunity for me, so I’d love to play.”

Napalapit na ang kulturang Pilipino kay McCullough, naging paborito pa nga ang Chickenjoy ng Jollibee.

Pagkatapos magkampeon ng Beermen noong Biyernes, natatakam na si McCullough sa dinner niya: “2-piece, and extra gravy, man.” (Vladi E­duarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy