Una sa Balita

McCoy pabor sa premarital sex

0 338

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyMabait pero hindi santo si McCoy De Leon. Ito ang impression na ipinahiwatig niya sa interview ng “Abantelliling” (online show namin ni Dondon Sermino na mapapanood sa Abante News Online Facebook page).

Napag-usapan kasi namin ang tungkol sa pagiging mabait, maka-pamilya at may malasakit sa kanyang mga fan ng aktor.

May pagkakataon kasing pino-post ni McCoy ang bonding moment niya sa pamilya, lalo na sa mga maliliit niyang kapatid.

Nakita rin namin ang pagdalaw niya sa isang naaksidenteng fan. At ang nararamdamang paghanga sa isang fan na matiyagang nagbantay sa taping niya.

Sa mga ganitong post ni McCoy, para siyang seminarista na hindi padadala sa kung anumang tukso lalo na sa babae.

Pero natawa kami nang tanungin namin kung hindi ba siya pabor sa premarital sex.

Muntik na ngang masamid ang guwapong aktor sa narinig, pero nakuha pa rin niyang sumagot na, “Tao rin po ako” na ang ibig sabihin ay bibigay rin siya sa isang masarap na putahe.

Well, kasama nga pala sa pelikulang “G” si McCoy, na official entry sa PPP 2019.

Gabbi, Khalil malabong maging love team

Malabong maging magka-love team sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, kahit pa sabihing magkasama sila ngayon sa pelikulang “LSS” na entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

May kanya-kanya kasi silang career, at magkahiwalay ang istasyon na pinagtatrabahuhan nila. Si Khalil ay Kapamilya at Kapuso si Gabbi.

Pero hindi hadlang ang magkalaban nilang network sa relasyon nila.

Ang puwede lang daw nilang gawin nga-yon ay ang mag-collaboration sa YouTube, tulad ng ginagawa nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ngayon.

Jameson gustong ibili ng bahay ang ina

Puwede na ngang makabuo ng isang poetry book si Jameson Blake kung gugustuhin niya. Ang pagsusulat ng tula ang ginagawa ni Jameson kapag wala siya sa mood o may nararamdamang negativity.

Hindi mahilig magsisigaw, magbasag o magpatugtog ng metal music si Jameson kapag galit siya sa mundo o nasasalang siya sa buwisit moment. Sa pagsusulat ng tula nga niya ibinubuhos ang kanyang feeling.

Aminadong tahimik lang ang aktor k­ahit nasa trabaho. Pero marami itong pangarap sa kanyang karera kaya pinagbubuti niya ang pag-arte. Panga-rap niyang mabilhan ng bahay ang kanyang ina.
Kasama rin si Jameson sa pelikulang “G”.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy