Una sa Balita

McCoy, Elisse matindi ang away, super diri sa isa’t isa

0 860

Hindi lang pala hiwalay na bilang magjowa sina McCoy de Leon at Elisse Joson kundi maghihiwalay na talaga sila ng landas bilang magka-loveteam!

Hindi ‘yan para sa promo lang ng launching movie nila together as loveteam kundi sa totoong buhay talaga. Nagkataon lang na may pelikula silang lalabas under Black Sheep ng Star Cinema, ang “Sakaling Magkatuluyan,” na saktong-sakto sa mga nangyari sa buhay pag-ibig nilang dalawa.

Mukhang malalim ang naging ugat ng mga problema na kinaharap ng relasyon ng McLisse na hindi na naayos, kaya naman break na sila while shooting their film na for sure, talagang mahirap gawin para sa isa’t isa. Balitang na-involve pati ang mga magulang ng dalawa.

Saksi kami sa taping ng gues­ting nila sa “Tonight with Boy Abunda” na ipinalabas last Monday night.

Kapansin-pansin ang animosity sa kanilang dalawa, kahit magkatabi sa iisang upuan habang ini-interview ni Tito Boy. Ni hindi nagdidikit ang kanilang mga braso at seryosong-seryoso sila sa pagpili ng mga tamang salita na isasagot nila sa bawat tanong.

Kitang-kita ang lungkot sa kanilang mga mata sa kabila ng patuloy na pag-cheer up sa kanila ng marami nilang taga­hanga na naghihiyawan para sa kanila sa loob ng studio.

Hindi sabay na dumating sa magkahiwalay na dressing nila sina Mccoy at Elisse at magkasunod lang na pumasok ng studio.

Matapos ang ta­ping ay naghiwalay din agad ang dalawa at naunang umalis ng studio at bumalik ng dressing room niya si Elisse.

Ito na nga raw ang huling pagkakataon na mapapanood natin na magkasama sa isang proyekto ang McLisse, ayon sa mga malalapit na tao sa dalawa.

Mananatiling isa pa rin ang handler nila na si Gidget dela Cuesta ng Star Magic, pero magkakaroon na raw sila ng bagong makakapareha matapos maipalabas ang pelikula nila.

Kisses, Donny pasabog ang kuwento sa Celebrity Radar

Ano nga ba ang regalo nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin sa isa’t isa last Christmas na hindi pa alam ng lahat?

Alamin ang kasagutan sa February at Valentine issue ng Celebrity Radar magazine kung saan tampok sila at iba pang mga sikat na artista!

Marami pa kayong malalaman tungkol sa DonKiss loveteam ng daytime teleserye ng ABS-CBN na “Playhouse!”

Sa interview pa lang sa kanila ay nakakakilig na ang dalawa! Natural na natural, kaya naman lalong gumaganda ang mga eksena nila sa “Playhouse” dahil sa dami ng humahanga sa loveteam ni Donny at Kisses!