Una sa Balita

McCoy at Angeline hindi nag-inarte sa prusisyon

By
McCoy de Leon
0 2,684

Keber si Angeline Quinto nang sumampa ito sa andas para makahipo sa imahen ng Black Nazarene noong January 9. Marami nga ang nag-alala na baka mahipuan din siya ng mga manyakis na nagpunta at nakiprosisyon sa taunang Traslacion of the Black Nazerene.

Deboto rin nga ang singer-actress at pang-apat na taon niya itong sumasampa sa andas para makahipo, maipunas ang kanyang panyo at bilang pagsakripisyo na rin dahil sa da­ming blessings na kanyang tinatanggap mula sa Itaas.

Sa awa naman ng Diyos ay wala namang insidenteng nangyari ng pambabastos kay Angeline dahil hindi naman siya pinabayaan ng mga hijos na nakatoka sa andas.

Maayos siyang in-assist ng mga ito kaya sobra ang pagpapa­salamat ng Kapamilya singer dahil muli na naman niyang natupad ang kanyang panata.

Ang pagsasakripisyo na ito ni Angge ay sinabayan din ni McCoy de Leon kung saan mas mahirap ang kanyang ginawa dahil talagang naglakad siya nang nakapaa.

Viral nga ang picture nito na kung saan kinunan niya ang da­lawang paa niya na punumpuno ng dumi dahil sa mahaba ring paglalakad.

Nakakabilib din sila, huh? Sino pa kaya sa iba nating celebs ay may ganitong debosyon?