Una sa Balita

McCoy 2 beses nahulog sa Traslacion ng Itim na Nazareno

By
0 455

Isa si McCoy De Leon sa milyon-milyong deboto ng Black Nazarene at kabilang din siya sa libo-libong nakiisa sa barefoot walking sa kapistahan ng Nazareno sa Quiapo nitong nakaraang Miyerkoles.

Nakaposte sa Instagram ni McCoy ang close up photo ng paa niyang punong-puno ng dumi at kasunod nito ang iba pang larawan na kuha sa ginawa niyang pagsama sa prusisyon.

@hashtag_mccoydl: “nakakatuwa yung mga taong nagpapaabot ng dasal sa para sa Poon. Kaya lalo akong naglakas ng loob tumuloy kahit alanganin na dahil wala akong kasama. Dalawang beses akong nahulog habang umaakyat sa Poon, hanggang sa huling sandali nakaharap ko uli sya. Ang tanging nagawa ko lang ay yumuko magpasalamat sa lahat. Nasabi ko na lang ‘ay maraming sa­lamat sa lahat lalo sa pamilya ko ikaw na po bahala lalo pag wala po ako. At sa mga taong nagpapaabot ng dasal sana madinggin mo po sila.’

“Sobrang saya sa pakiramdam ba na masilayan uli sya. Hindi talaga maiinda lahat ng sakit at pagod sa katawan. Kaya salamat din kina Melvin, Reyjohn at tutoy na tumulong sa akin umakyat kahit nakilala ko lang sa daan. Dito nagpapatunay na kahit hindi magkakadugo magkakaisa sa pananampalataya. Kahit hindi naman kami nag-abot na naman ng daddy ko masaya ako patuloy ang panata namin. Salamat daddy dahil ikaw ang nagpasimula nito sa akin. Yaan mo babawi po ako sa susunod magkasama na tayo uli. Para sayo naman po ang yung isang bimpo napunas ko sa kamay nya. #BlackNazarene.

Bukod kay McCoy, ilan rin sa namama­nata sa Black Nazarene sina Coco ­Martin at ­Angeline Quinto. ()