Una sa Balita

MCC 7-Cock Derby Qualifiers 1: 3 ang kinoronahang kampeon

0 311

NANAIG ang Circle 8 GF, Ha­ring Bastos at White Ears sa katatapos na 7-Cock Derby Qualifiers 1 ng Manila Coc­kers Club, Inc. na ginanap sa Cockers Arena sa Carmona, Cavite.

Tumapos ang Circle 8 GF nina Geronimo Sona III/Engr. Ernie Baldo, Haring Bastos ni Kon. Aldwin Garcia at White Ears ni JB Vinluan na may 7 points bawat isa upang magwagi.

Runner-ups naman sina 3 Brothers ni Francis at Frank Arellano at JA RDC ni Joseph Aquino.

Iniimbitahan ng MCC ang mga interesadong breeder na sumali sa 2020 Cock Season Derbies, na 7-Cock Derby Qualifiers 3 na hanggang Pebrero 16; 7-Cock Derby Qualifiers 4 sa Peb. 21- 29; 7-Cock Derby Qualifiers 5 sa Marso 3-11; 7-Cock Derby Qualifiers 6 sa Marso 14-22; at 7-Cock Derby Qualifiers 7 sa Marso 26-Abril 3.

Garantisadong P6.5M, meron pang P1M additional fund ang matatanggap per derby.

Wala ng entry fees at minimum/maximum bets ang lahat ng derbies; tampok ang 3-4 derby format at weight limit na 1.900-2.400 kg.

Sa karagdagang impormas­yon, tumawag lang sa MCC hotline at (02)696 1120 o (63)917 582 2615.

Maaari ring magsadya MCC’s website, manilacoc­kers.com o magtungo sa Cockers Arena sa G/F Turf Building ng San Lazaro Leisure Park, Barangay Lantic, Governor’s Drive, Carmona, Cavite. (JAT)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More