Una sa Balita

MBT semis siklab ngayon

By
0 1

Apat na teams ang mag-aagawan sa dalawang final berths ng Metro Basketball Tournament championship sa San Andres Sports Complex sa Maynila.

Haharapin ng top seed Makati ang no. 4 Parañaque, katapat ng  no. 2 Manila ang no. 3 Marikina sa knockout semifinal sa Division I ng 16-and-under tournament.

Wala pang galos ang Skyscrapers pagharap nila sa Green Berets sa 4:30 ng hapon. Alas-2:45 ang banatan ng All-Stars at Shoelanders.

Ang mananalo sa dalawang pares ng semis ay aabante sa championship game sa June 3 sa parehong venue.

Samantala, magtatapat ang Taguig at MMDA para sa slot sa championship match ng Division II.