Una sa Balita

MayWard winawasak sa ‘Ikaw ang GHOSTo Ko’

By
0 162

Samantala, sa kabila ng humihirap nilang sitwasyon, pipilin pa rin ni Espie (Maymay) na tulungan si Vincent (Edward) ngayong ilalahad na ng dalaga sa ina ng binata ang lahat ng katotohan tungkol sa inaakalang pagkamatay niya sa “Wansapantaym Presents: Ikaw ang GHOSTo Ko”.

Humantong na nga sa hidwaan ang pag-iibigan nina Espie at Vincent ngayong pareho na silang nagdesisyong kalimutan ang isa’t isa. Pero sa kabila nito, gagawa pa rin si Espie ng paraan upang isiwalat sa ina ni Vincent na ang tiyuhin ng binata na si Charlie (Luis Hontiveros) ang utak sa nangyaring trahedya.

Ngunit pilit pa rin silang susubukin ng tadhana dahil makakaisip pa ng mga tusong paraan si Charlie ngayong siya na ang bagong presidente ng kompanya nina Vincent, at magdadala pa ng panganib sa buhay nila sa patuloy niyang pagsira sa mga ebidensyang magtuturo sa kanya sa krimen.

Magiging mahirap din naman ang pagkakaayos nina Espie at Vincent sa patuloy na panliligaw ni Lester (Patrick Quiroz) sa dalaga, na lubos namang ikakaselos ni Vincent dahil hindi pa rin niya nalilimutan ang pag-ibig para kay Espie.

Mabigyan na kaya nila ng hustisya si Vincent? Magkaroon pa nga kaya ng panibagong yugto ang pag-iibigan nina Espie at Vincent?