Una sa Balita

MayWard namudmod ng regalo sa mga taong kalye

0 569

Hindi talaga nauubos ang blessing na dumarating sa young actress na si Maymay Entrata, eh paano ba naman, bongga rin kasi kung mamahagi siya ng kanyang blessing sa mga kapus-palad na kanyang nakakasalamuha.

Ibinahagi nga ng young actress sa kanyang Instagram ang short video clip kung saan naglibot siya, kasama si Edward Barber, para mamahagi ng mga regalo sa kung saan-saang lugar.

Makikita na napakasaya talaga ng mga taong kanilang naabutan ng aginaldo at talagang hindi nga matutumbasan ng kahit anong salapi ang mga ngiting naibigay ng MayWard sa kanilang mga nabigyan ng regalo.

Super sigawan pa nga ang iba nang makita na sina Maymay at Edward ang nasa loob ng sasakyan na nagbibigay, sabay kinamayan pa sila ng mga ito.

Bongga naman talaga sina Maymay at Edward kaya napaka-successful rin ng kanilang career.

“Ito ang pinakamasayang araw ng aking buong taon (star icon). Sa lahat ng nag-volunteer, tumulong, at nag-ambag para matupad ang kaytagal ko nang pinaghandaan, maraming-maraming salamat po. Nawa’y tuloy-tuloy at marami pang ngiti ang ating maibahagi sa kanila. Muli, maraming salamat po,” sey pa ni Maymay sa kanyang caption, kalakip ang short video clip ng kanyang kuwento sa pagbabahagi ng regalo sa mga tao sa kalye. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More