Una sa Balita

MayWard kinabog ang AlDub, KathNiel

0 337

Ang MayWard (Maymay Entrata, Edward Barber) ang tinanghal na Top Love Team sa Twitter (April-June), na sinundan ng AlDub (Alden, Maine), DonKiss (Donny, Kisses Delavin), KathNiel (Kathryn, Daniel), at JaDine (James Reid, Nadine Lustre).

Ang bongga ng MayWard, dahil sobrang aktibo talaga ang mga fan nila sa Twitter, na maya’t maya ay nagtu-tweet talaga sa mga kaganapan ng kanilang mga idolo, ha!

Magandang regalo rin ito kay Edward Barber na kaka-birthday lang kamakailan.

“Happy Birthday Dong, hiling ko lang na maging masaya ka lang lagi. Chumaaaa,” birthday greeting pa ni Maymay kay Edward.

Samantala, wagi rin ang kanta ni Maymay na “Bituin” sa kategoryang LSS Song of the Year ng MOR Pinoy Music Awards 2019. Kaya bongga talaga ang MayWard na sunod-sunod ang mga biyaya sa kanila, ha!

At siyempre, super aliw ang mga fan nila sa lambingan nila. Na kesyo ang daming bubuyog at langgam daw sa paligid

Samantala, pagdating naman sa Top Teleserye, patok na patok ang “The General’s Daughter” ni Angel Locsin, kasunod ang “Kadenang Ginto”, “Love You Two”, “Daddy’s Gurl”, at “Dragon Lady”. Hindi kasali ang “Ang Probinsyano.”

At sa Top Philippine Movies naman ay nanguna ang “Between Maybes” nina Gerald Anderson at Julia Barretto, na sinundan ng “Second Coming” ni Jodi Sta. Maria, “Finding You”, “Sakaling Maging Tayo”, at “Clarita.” (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy