Una sa Balita

MayWard ‘di nagpasaway sa Rome

0 430

Alam mo, in fairness sa mga artista at singers na kasama sa “ASAP Natin ‘To” sa Rome, Italy, behaved sila, tulad nina Maymay Entrata at Edward Barber. Ilang mga kasama roon ang nakatsikahan ko at nagsabing wala raw pasaway, walang mga pa-star.

“We’re one big happy family. Work and pleasure, lahat nag-e-enjoy while working,” sey ng kausap ko.

Well, good to know na walang mga nag-a-attitude, huh! So, all good na para sa “ASAP Natin ‘To” sa Palazzo Dello Sport ngayon.

Anyway, dahil karamihan sa mga star, singer na kasama ay nandoon na noong Wednesday at Thursday, enjoy na enjoy ang mga taga-Rome dahil dinudumog sila sa mga lugar na pinupuntahan nila roon.

Marami rin kasing mga kababayan natin around Europe ang nagpunta pa sa Rome para sa ASAP Natin ‘To roon.

Ruffa na-LSS kina Regine, Moira

‘Kaaliw rin si Ruffa Gutierrez. Pagdating sa kanyang siblings, she’s really a good ate!

Nang magkausap kami the other day ay ang “Unbreakable” movie ng kapatid na si Richard Gutierrez ang topic ng tsikahan namin.

Mini-message raw siya ng mga fan ni Bea Alonzo na excited na finally ay tuloy na ang tambalan ng aktres at ni Richard.

“Excited sila for ‘Unbreakable’. Pati sa TV series nina Chard at Bea. They’re thanking me at showing for helping sa promotions ng movie.

“The fans are nice. Kanya-kanya silang plano how to promote the movie dahil showing na sa November 27,” sey ni Ruffa.

Pati ‘yung theme song ng “Unbreakable” na kinanta nina Regine Velasquez-Alcasid at Moira dela Torre ay palagi raw pinakikinggan ni Ruffa.

Parang na-LSS (last song syndrome) na si Ruffa.

“Palagi ko pinakikinggan. Ang ganda. Regine and Moira’s are so good!” sabi pa ni Ruffa.

Sabi ko kay Ruffa na huwag kalimutan na sa November 27 din ang pa-block screening ko for “Unbreakable” nina Richard, Bea and Angelica Panganiban at kailangang manood sila ng mga anak niyang sina Lorin at Venice.

Actually, back-to-back screening na nga ang inihahanda ko dahil napakaraming celebrities ang nag-yes na pupunta at excited na manood ng “Unbreakable”.

“My gosh, lahat na lang ng mga nakakausap ko about ‘Unbreakable’, may pa-block screening. Parang gusto ko na rin as support kina Chard, Bea and Angelica. I will schedule nga, thinking where,” sabi niya.

Wow, talagang supportive si Ruffa kay Richard at sa “Unbreakable”, huh!

Ang bongga!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy