Una sa Balita

Mayoralty candidate timbog sa paggamit ng sasakyan ng barangay

By
0 598

INARESTO ng Cavite police sa bisa ng warrant of arrest ang isang barangay chairman at mayo­ralty candidate dahil sa paglabag sa Omnibus Election Code sa Rosario, Cavite.

Si Joemel Pulido, 40, may asawa, barangay chairman ng Bgry. Tejeros, Rosario, Cavite at residente ng Gen. Trias Drive, Tejeros Convention, Rosario, Cavite ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na lumabas noong November 6, 2018.

Ayon kay Chief Insp. Dhefrey Punzalan, hepe ng Rosario Municipal Police Station, si Pulido ay inaresto dakong alas-5:30 Linggo nang hapon sa loob ng Brgy. Tejeros Convention, Rosario, Cavite sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Acting Presiding Judge Amy Ana De Villa-Rosero ng 4rth Regional Trial Court, Cavite City dahil sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code Section 261 (O).

Sa panayam ng Abante kay Punzalan, ang pagkakaaresto kay Pulido ay bunsod ng pagsasagawa ng kanyang mga tauhan ng operas­yon laban sa mga wan­ted na tao kung saan luma­bas ang warrant of arrest laban sa kanya dahil sa reklamo ng ilang municipal employee ng Rosario, Cavite sa lantarang paggamit nito ng inisyung tatlong tricycle para sa pagsundo at paghatid ng pasahero/botante noong nakaraang barangay at SK elections.

Si Pulido ay puma­lag nang arestuhin, hindi umano nito alam ang lumabas na warrant of arrest subalit sumamama rin ito nang kusa.

Si Pulido ay tatakbo sa pagka-Mayor sa Rosario, Cavite kung saan makakalaban niya si incumbent Mayor Jose Ricafrente III nitong 2019 local and national elections.

Halagang P36,000 ang inirekomendang bail para sa pansamantalang paglaya ni Pulido.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy