Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mayor werpa sa pagbili ng bakuna inaprub ni Duterte

0 93

NAPIRMAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang memorandum order at certification of urgency na nagpapahintulot ng 50% advance payment sa pagbili ng COVID vaccine.

Ito ang inihayag ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez sa press briefing sa Malacañang.

Ayon kay Galvez, nagkausap sila ng Pangulo at ipinabatid na napirmahan na ang kailangang dokumento para makabili na ng bakuna.

“Nag-usap kami kanina at nagkaroon kami ng confe­rence at sinabi po ni Senator Bong Go na napirmahan na ‘yong certification of urgency at saka ‘yong memo,” ani Galvez.

Mangangahulugan aniya ito na makakabili na ang local government units ng kanilang kakailanganing bakuna alinsunod sa hinihinging requirements ng vaccine manufacturers.

Ang certification of urgency ay para sa panukalang batas na isinusulong sa Kongreso para magkaroon ng indemnification law na hiniling ng manufacturers sa layu­ning makaiwas sa pananagutan sakaling sumablay ang paggamit ng mga bakuna. (Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.