Una sa Balita

Mayor Vico naguluhan kay Cassie Mondragon

0 584

Daniela type bumisita sa Pasig:

Naguluhan, nagtaka si Pasig Ma-yor Vico Sotto sa reply ng mga ‘constituent’ niya nu’ng ideklara niyang walang pasok kamakailan dahil nga sa malakas na ulan.

Lahat kasi ng mga reply sa kanya, may pangalan na Cassie. At tanong nga niya sa Twitter niya:

“Sino po ba si Cassie at puro ganito ang reply niyo sa kin? Ano yun, lahat kayo may kapatid na Cassie ang pangalan. Someone explain this meme to me pls para makatulog na ko,” sabi ni Mayor Vico.

At kahapon nga, may mga netizen na ang nagkuwento kay Mayor Vico ng tungkol kay Cassie. Si Cassie nga ang anak ni Romina Mondragon (Beauty Gonzales) sa “Kadenang Ginto”. Si Francine Diaz ang gumaganap na Cassie sa teleseryeng ito.

“Mayor ito na pooo @VicoSotto mamshh bisita ka naman samin hahaha @DimplesRomana para ma-meet mo yung pogi naming mayor,” sabi ng isang netizen.

Na agad namang nireplayan ni Dimples Romana, aka Daniela Mondragon:
“Hi Mayor! @VicoSotto this is Daniela Mondragon speaking Hi tita @ConeyReyes,” sabi ni Dimples.

Well, malay natin baka biglang bumisita si Daniela, o sina Cassie at Romina mismo, para makilala naman ni Mayor Vico.

Kaaliw lang, na pati ba naman si Mayor Vico, nasasali sa usapang “Kadenang Ginto.” (Dondon S­ermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy