Una sa Balita

Mayor tipid ngumiti

0 656

SINO daw itong lokal na opisyal ang napakati­pid ngumiti kahit nagtatawanan na ang mga tao sa kanyang paligid?

Natuklasan ni Mang Teban na halos lahat ng larawan nitong si yorme, laging nakasara ang bibig kahit masaya ang mga tao sa kanyang tabi.

Kahit na nga raw sa selfie ng kanyang partner, abot tenga ang ngiti ng babae pero itong si ma­yor, aba’y wala man lang ekspresyon ang mukha.

Mukha nga raw patay na bata kung pumorma itong si mayor, kaya’t hirap daw sa paggawa ng poster ang kanyang mga bata pagdating ng kampanya.

Pero kahit matipid ngumiti itong lokal na opis­yal, nakabibilib pa rin itong magtrabaho at na­kabingwit din ito ng magandang partner sa kanyang buhay.

Pintahan niyo na. Ang alkalde na matipid ngumiti ay naninilbihan sa Central Luzon. May letrang K sa kanyang pangalan as King Kong.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy