Una sa Balita

Mayor takot matigok, SWAT team binitbit

0 658

BRUSKO ang porma nitong bagitong alkalde sa bansa pero may tinatagong daga din pala sa kanyang dibdib.

Sa porma ni mokong, aakalain mong pala­ban ito sa mga salot ng lipunan at mga tirador sa kalye.

Pero ang totoo, takot din pala sa kanyang buhay itong si mayor.­
Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban, sa bawat lakad ng alkalde ay nakabuntot sa kanya ang isang SWAT team.

Siyempre nga naman, magdadala­wang-isip ang mga tirador na pagtangkaan ang buhay ni mayor dahil sa sangkatutak na pulis na may mahahabang armas.

Kaya pag nakita mo sa kalye na tila may prusisyon dahil sa dami ng back-up ni mayor, gets niyo na kung sino ito.

Pintahan niyo na. Ang alkalde na nagbitbit ng SWAT team sa bawat lakad ay dating naglalaro ng basketball at may letrang A sa kanyang apelyido as in Anda…tung.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More