Una sa Balita

Mayor Sara takaw-pansin sa pagdalo sa court banquet ni Emperor Naruhito

By
0 641

Agaw-pansin si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa kanyang pagdalo sa court banquet para kay Emperor Naruhito sa Imperial Palace sa Tokyo, Japan.

Si Mayor Sara ang kumatawan kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos mapaaga ang pag-uwi ng Presidente sa bansa dahil sa iniindang sakit sa kanyang likod.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na suot ng alkalde ang isang kulay pink na terno na ginawa ng designer na si Selverio Anglacer.

“Mayor Sara was an eye-cather in her pink terno and appeared to be enjoying herself with attendees being arranged and served as sit-down Japanese -style dinner during the banquet,” ani Panelo.

Nagsimula aniya ang court banquet alas-otso hanggang alas-10:00 ng gabi noong Martes subalit alas-11:00 na nakaalis ang alkalde dahil nakipagkuwentuhan ito sa ilang world leader na dumalo rin sa pagtitipon.

Sinabi pa ni Panelo na nagkaroon din ng pagkakataon si Mayor Sara na makausap si Emperor Naruhito, asawang si Empress Masako at Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Pinasalamatan ng Malacañang ang alkalde dahil sa maayos na pagrepresenta kay Pangulong Duterte sa nabanggit na mahalagang okasyon.

“The Office of the President wishes to relay its gratitude to Mayor Duterte for stepping up properly and elegantly representing the country in the President’s stead,” dagdag ni Panelo.

Muling ikakatawan ni Mayor Sara ang Pangulo sa huling aktibidad nito sa Tokyo partikular ang Prime Minister’s banquet na pangungunahan ni Prime Minister Abe para sa mga inimbitahang heads of state at mga opisyal ng gobyerno.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy