Una sa Balita

Mayor Sara sure winner sa Senado

By
0 1,146

BAGAMA’T wala pang kumpirmasyon mula kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na sasabak ito sa senatorial election na gaganapin sa Mayo 2019, ay kabilang ito sa nangungunang mga posibleng manalong kandidato.

Batay ito sa inilabas na resulta ng Pulse Asia survey na isinagawa noong Marso 23 hanggang 28 kung saan 57% ng mga Pinoy ang sinasabing nakapili na ng kanilang senatorial candidate.

“If the next senatorial elections were held during the survey period, only 15 of the 58 individuals included in the survey’s se­natorial probe would have a statistical chance of winning,” ayon sa Pulse Asia.

Pasok din sa mga na­ngunguna sa survey ang mga reelectionist senator kung saan nanguna si Senador Grace Poe na sinundan ni Senador Cynthia Villar habang nasa ikaapat na puwesto si Senador Nancy Binay kasunod si Senador Sonny Angara.

Sa ranking, magkapantay sina Angara at Carpio sa 4th hanggang 7th place habang sumunod sa kanila si Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III.

Pasok naman sa 10th-19th places sina Senador Bam Aquino at Senador Joseph Victor ‘JV’ Ejercito.

Si Mayor Sara ay hindi kasama sa inilabas na initial list ni Pimentel para sa posibleng mga kandidato ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban)dahil hindi naman anya nila ito kasamahan sa partido at hindi rin nagpapahayag ng interes ang alkalde na kumandidato bilang senador.