Una sa Balita

Mayor Sara: Maayos ang health ng tatay ko

By
0 250

WALANG problema sa kondisyon ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang tiniyak mismo ng anak ng Presidente na si Davao City Mayor Sara Duterte matapos hindi siputin ng Pangulo ang dalawang magkasunod na araw na aktibidad nito

Sinabi ng alkalde na walang problema sa kalusugan ng Pangulo at katunayan aniya ay masigla ito kagabi.
“I don’t think there is a problem with him. Last night, he was up and about. There are no issues about his health,” ani Mayor Sara.

Kapag aniya mayroong nararamdaman ang Pangulo ay ipinapaalam agad sa kanila.

Sinabi ng alkalde na wala namang abiso sa kanila kung may problema sa kalusugan ni Pangulong Duterte kaya naniniwala siyang maa­yos ang kondisyon ng kanyang ama.

“Usually naman kasi kung meron mga ganyang problema, you would expect na kami ang unang sasabihan. Wala namang sinabi sa amin,” dagdag ni Mayor Sara.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy