Una sa Balita

Mayor Sara kay Trillanes ‘Wag mo akong hamunin, susuka ka ng P1B’

By ,
0 4,872

NASAGAD ang pasensiya ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kay Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV kaya pinagsabihang tigilan ang pang-iintriga sa kanya.

Kasunod ito ng na­ging pahayag ni Trillanes na isusulong umano ni Pangulong Rodrigo ang kandidatura ni Mayor Sara bilang huling baraha nito para sa 2022.

Sa Facebook post ng alkalde kahapon ay sinabi nitong mas ma­kabubuting manahimik ang senador dahil ang huling taong nang-inis sa kanya ay bumagsak sa politika at nawalan ng bilyong piso.

Gaya aniya ng na­ging payo niya kay House Speaker Pantaleon­ Alvarez, sinabi ng alkalde na huwag siyang isipin, banggitin o ibulong ang kanyang pa­ngalan, at hayaan siyang manahimik kung ayaw nitong gumastos ng bil­yong piso kasama ang mga kaibigan sa 2022.

“Leave me in peace in Davao City or else you and your friends will spend more than a billion in the 2022 Presidential elections just to make me insignificant. Let me repeat, do not bother me and my slot will be avai­lable for a yellow Senator for the 2019 elections,” ani Mayor Sara.

Kung sa tingin aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte na mababaril ang senador, mas gugustuhin niyang buhay ito para maramdaman ang sakit.

Pinayuhan pa ng alkalde ang senador na huwag siyang galitin para magkaroon pa ito ng kabuluhan para sa mga susunod na henerasyon.

“President Duterte imagines you will be shot, on the other hand, I will make sure you are alive and in pain. I have been described as heartless by my mother, please do not anger me so that you may remain relevant for the future generation. And you should listen to my mother,” dagdag pa ng alkalde.