Una sa Balita

Mayor pasaway na, nanibak pa ng traffic enforcer

0 748

DISMAYADO ang ilang mga Kapampangan sa kanilang mayor dahil sa halip na manguna sa pagsunod sa batas ay siya ang unang lumalabag nito.

Minsan kasing sinita ng traffic enforcer ang ma­yor na ito dahil sa hindi pagsuot ng helmet habang nagmamaneho ng kanyang big bike.

Tumigil naman umano ang mayor kasama ang ilang kasama nito na nagmo-motor din nang sitahin ng traffic enforcer.

Noong una’y hindi nakilala ng traffic enforcer na mayor nila ang kanyang nasita. Nakilala lamang niya ito nang tanggalin nito ang kanyang shades kaya sa halip na sitahin ay humingi pa ito ng pasensiya sa kanyang alkalde.

Pero hindi naman umano nagalit ang mayor sa traffic enforcer pero sinabihan niya itong kilatising mabuti ang kanyang sinisita dahil baka opisyal ito ng bayan at hindi na dapat tikitan lahit lumabag sa batas trapiko.

Ilang araw matapos sitahin, tinanggal na umano ni mayor ang traffic enforcer na sumita sa kanya dahil sa paglabag sa trapiko. Sino siya?
Pintahan niyo na. Ang mayor na ito ay mula sa isang malaking political clan sa Pampanga na may letrang P sa kanyang pangalan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy