Una sa Balita

Mayor, Paez pagugulungin ang mga karibal sa PECA-Bacolod

By
0 245

NAKASENTRO ang atensiyon kina seven-time Philippine executive champion Dr. Jenny Mayor at Dr. Alfredo “Fred” Paez, dating top players ng National University chess team, sa magaganap na 2019 Philippine Executive Chess Association (PECA) Bacolod City Qualifying leg.

Makikipagtagisan ng galing sina Mayor at Paez sa Visayas counterparts sa event na magsisimula sa Linggo sa Ayala Mall Capitol Central, Gatuslao Street, Bacolod City, Negros Occidental.

Ang Quiapo-based dentist na si Mayor na ipinagmamalaki ng Sibuyan Island, Romblon ang nagkampeon sa last year’s Western Visayas Qualifying leg na ginanap sa Kubo Bar Garden and Restaurant sa Kalibo, Aklan noong Abril 28, 2018.

Habang ang dentista na si Paez na top player naman ng Cabuyao, Laguna ang naghari sa Davao Leg na ginanap sa Jardin del Roca Resort sa Toril, Davao City nitong Oktubre 27, 2018.

Ang iba pang executives na sasabak sa nasabing event ay sina Atty. Cliburn Anthony Orbe, Emmanuel Asi, SSS bet na si Dioniver “Bobot” Medrano at MVP Olympics PLDT Team Manager Martin “Binky” Gaticales.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy