Una sa Balita

Mayor, online vlogger kinasuhan sa pekeng Covid-19 result

0 546

Nagsampa ng kasong criminal ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) laban kay Noveleta, Cavite Mayor at ilang personalidad sa online vlogger matapos umanong magpakalat ng “fake” reports at maglabas sa social media ng coronavirus disease (Covid-19) cases sa Cavite City.

Base sa inilabas na statement ng PNP Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU) sa Region IV-A (CALABARZON), nag-ugat ang pagsasampa ng kaso laban kay Noveleta Mayor Dino Reyes Chua dahil sa sinasabing pagpapakalat ng “pekeng” impormasyon sa umano’y unang kaso ng COVID-19 case sa siyudad.

Matatandaang isang Maggie Bernal ang nag-post sa Facebook account na 10 pictures ng suspected persons under investigation sa Cavite City at naikalat pa ang impormasyon na ang pasyente na may COVID-19 ay namatay na sa Cavite Medical Center.

Inakusahan pa nito ang Cavite local government unit sa pagiging hindi transparent sa publiko kung saan lumalabas na ang account ay nagbibigay ng maling impormasyon at mali base sa fact-checking ng Rural Health Unit sa Cavite City.

Nabatid na ang larawan na pinost na COVID-19 patient ay nakuha lamang sa isang news website mula sa Makati City na nagbigay ng pangamba sa mga residente ng Cavite.

Napag-alaman ng mga Cybercops na ang Maggie Bernal account ay mula sa pangalang Angela Mae de Guzman na binuo umano ni Chua noong 2010, base sa affidavit ng isang witness na creator and former administrator ng troll account.

Samantala, nailathala din ng isang online news portal, Latigo News TV ang kaparehong mali umanong impormasyon kaya nagsampa din ang PNP-ACG sa CALABARZON na kaso laban kina Mario Batuigas, owner ng Latigo News TV, at Amor Virata, vlogger at online reporter.

Naisampa na sa Cavite City Prosecutors Office ang kaso laban sa LGU ng Cavite City at sa online media. (Vick Aquino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More