Una sa Balita

Mayor Olivarez tinalagang pinuno ng RPOC-NCR

0 319

SIMULA ngayon buwan ng Nobyembre si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na ang mangangasiwa ng Regional Peace and Order Council-National Capital Region (RPOC-NCR) matapos italaga ng Malakanyang.

Base sa appointment paper ni Olivarez sina National­ Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Brig. Gen. Debold Sinas, Joint Task Force-NCR Commander Brig. Gen. Alex DC Luna at si Department of Interior Local Government (DILG-NCR) Regional Director Ma. Lourdes Agustin naman ang mga tinalagang vice chairperson ng RPOC-NCR.

Nabatid na si Olivarez din ay kasalukuyang chairman ng Metro Manila Mayors Council (MMMC).

Sa ginanap na briefing kahapon sa Parañaque City Hall, pinirmahan rin ni Olivarez ang isang memorandum of agreement na nagbibigay ng P10 milyon ang lokal na pamahalaan para sa suporta ang mga programa ng RPOC-NCR hanggang sa isang taon.

Gagamitin din ang pondo upang matulungan ang council para maisagawa ang mandato sa pagsusulong ng kapayapaan at kaayusan pati na rin ang pagbibi­gay at paglikha ng mga lugar para sa pakikipagtagpo sa iba’t ibang mga stakeholder. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy