Una sa Balita

Mayor nagkampo, munisipyo hinarangan ng traktora

Tensyon sa Nueva Ecija

0 634

TENSYONADO nga­yon sa munisipyo ng Sto. Domingo, Nueva Ecija dahil sa pagkakampo ni Mayor Greg G. Andres at mga tagasuporta nito sa kabila ng umano’y kautusan ng Ombudsman na pagpapabalik sa puwesto nang nasibak na si Mayor Imee de Guzman.

Sa kasalukuyan ay may nakaharang na heavy equipment sa entrance ng munisip­yo na binabantayan ng mga sundalo at pulis sa buong magdamag.

Nagsimula ang ganitong sitwasyon mula noong Enero 31 na napaulat na may nakuha umanong ‘reversal order’ mula Ombudsman si dismissed Mayor Imee L. De Guzman na nasibak sa puwesto noong Hunyo 19, 2018.

Tinagurian ni Mayor Andres na ‘fake news’ ang sinasabing order dahil maraming nakasaad na mali-mali umano ang mga detalye.

“At dapat hindi na Ombudsman ang maglalabas ng order kundi ang Court of Appeals na dinulugan nila ng petition for certiorari at temporary restraining order o TRO,” ayon kay Mayor Andres.

Gayunman iginiit ni Mayor Andres na noon pang Agosto 13, 2018 ay nagpalabas ng resolusyon ang 2nd Division ng Court of Appeals na nagbabasura sa petisyon at request for TRO ni De Guzman.

“Immature, immaterial, unenforceable, invalid at null and void ang order na hawak ni De Guzman” giit ni Andres.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy