Una sa Balita

Mayor na adik sa casino napabayaan ang bayan

0 350

Alam niyo bang ang hirap hagilapin kahit puntahan at bantayan niyo pa sa munisipyo ang isang mayor sa Souther­n Tagalog?

Ayon sa aking bubwit, kaya pala madalas wala si mayor sa municipal hall ay dahil palagi siyang nasa casino dito sa Metro Manila. Casino at pagkalulong sa sugal ang dahilan kaya hindi na natutugunan ni yorme ang mga problema at hinaing ng kanyang mga kababayan.

Pati problema ng mga negosyante ay hindi na rin inaayos ni mayor dahil nagumon na yata siya nang husto sa casino, sayang kasi ‘yun bayan ni mayor ay Touris­t destination ng mga lokal at dayuhang turista sa Southern Tagalog.

Ang daming magagandang beach resort sa bayan ni yorme at madalas fully booked ang mga resort lalo na kung summer season. Pero ngayon marami nang turistang takot pumunta sa mga resort sa bayan ni mayor dahil ang daming informal settlers o squatters sa mga resort.

Related Posts

Bagong direksyon

Seleksyon!

Digong’s magic

Ayon sa aking bubwit, mukhang pinabayaan ni yorme ang pagsulpot ng squatters dahil kailangan niya sila sa eleksyon. Paano nga naman niya matutustusan ang pagka-casino kung mawawala siya sa puwesto.

Ang mabigat pang ginawa ni mayor ay pinabayaan niyang magtayo ng bahay ang mga squatter sa main road patungo sa mga resort, at halos isang lane na lang ng kalsada ang nadaraanan ng sasakyan papunta sa resorts dahil sa mga barong-barong sa magkabilang gilid ng kalye.

Tanong tuloy ng may-ari sa isa sa mga resort sa tourist destination sa Batangas, “ala eh meron pa ga tayong mayor dine?”.

Ala eh kabayan ang mayor na ang hirap hagilapin at halos tumira na sa Resorts World at Solaire sa free room accommodation na baka may kasama pang chiching ay yorme sa bayan na may basaan kapag fiesta.