Una sa Balita

Mayor, may pasok po ba?

By
0 561

Alas-tres nang madaling-araw. Nagising ako sa sunod-sunod na text sa dalawa kong cellphone.

Pinilit kong basahin ito pero may ideya nako sa nilalalaman nun. Naririnig ko na kasi ang malakas na patak ng ulan.

Basahin ko nga. Ahhh, nagtatanong sila kung may klase. Kung magsususpende ako… kung hanggang anong antas… kasama ba ang college…. public at private ba? Bumangon ako para silipin ang warning signs ng PAGASA para sa next 2 hours… May link kasi ako anytime para masilip ang lagay ng panahon. Maulan daw. Yellow war­ning sign. Ibig sabihin, probability ng pagbaha, mataas sa low lying areas… Pero pag tiningnan mo yung langit, ayos lang naman. May ambon. So inisyal kong desisyon, may pasok. Pero eto na… pagsapit ng alas-kwatro y medya, big­lang bumuhos ang ulan. Dinig sa bubong ng aming bahay.

Napaisip ako… eh kung magtuloy ito hanggang oras ng pasok, nalintikan na. Pwede mo bang ituro yung PAGASA na light rains lang ang sinabi? Syempre, sa iyo ang bagsak ng sisi. Hindi naman isyu yung kung gising ka o hindi. Ang isyu, may sapat bang dahilan para magsuspende ka.. at mas importante, anong oras darating ang dahilan para makapagsuspende ka ng klase. Baka kasi alas-siyete pa siya darating ng umaga… o itataon na papasok ang mga bata sa eskuwela.

Judgment call ang pinaiiral ko sa ganitong pagkakataon. Pagsasabayin mo ang pagbasa ng weather forecast at pagtingin sa langit. Pabor sa suspension kung malaki ang posibilidad ng ulan.. Mas maganda na ang safe than sorry.

Related Posts

Yung timing naman ang susunod mong babantayan. Anong oras mo ito idedeklara. Mabuting mabuti kung makikisama ang ulan na babagsak mga 3 oras bago pasok o sa hatinggabi pa lang eh medyo malala na. Dito, napaka­daling anunsyo. Tapos pwede kang ma­tulog ng mahimbing..

Pero dahil gusto kong may batayan ang bawat anunsyo, aantayin ko ang pagda­ting ng ulan.. pero may cut off ito.. Pagdating ng 4:30 nang umaga, dapat may desisyon na ‘ko… at paninindigan ko yun anuman ang mangyari. Kasi hindi pwede na kung kelan andun na ang mga bata sa eskuwelahan, at sa kamo sila pauuwiin. Patay tayo dyan..

At pano naman ito ipinapakalat? May social media tayo na naka-feed sa mga TV at radio station at sa karamihan ng mga taong may pakialam sa anunsiyo ko. Pati ang mga eskuwelahan ay naka-link sa account ko para ‘di na sila ma­ngailangang magtanong kung may announcement na. Mabilis ang pakalat ng balita. Sa loob ng bente minutos, halos nakakaisang libong shares na ang advisory. Naging maayos na sistema para mabilis maibababa ang balita.

Ang trabahong ito ay isa sa mga delikadong pangasiwaan dahil binabalanse ang desisyon sa takbo ng panahon na hindi mo hawak at di mo tiyak. May kasama ng aral at pananampalataya na ang nilabas mong advisory ay tutugma sa lagay ng panahon at saka pakanan ng iyong nasasakupan.

Sa ngayon… ayos lang. Sige ulan, bumuhos kana kung bubuhos ka…