Una sa Balita

Mayor Marcy Teodoro umapela sa DENR: Quarrying permit kanselahin lahat

0 244

HINILING ni Marikina City Mayor Marcy Teo­doro sa Department of Environment and Natural Resources na kanselahin na ang mga permit ng mga operator sa minahan at quarrying at hindi lang suspendehin ang operasyon.

Sa panayam, sinabi ni Teodoro na ang suspension order ng DENR sa quarrying operation ay isang “welcome deve­lopment.”  

“Dapat talaga na masuspend. Pero dapat ma-revoke na mga permits. Hiniling namin iyan noong nakausap namin si Special Assistant to the President Bong Go. Kami sa Marikina City ang naapektuhan sa misma­nagement ng upstream communities,” sinabi ni Teodoro.

Sinabi pa ni Teodoro na matagal nang na­momroblema ang kanyang siyudad sa baha.

“This is a backlash of the failure to take care of the environment,” pahayag nito.

Reklamo naman ni Rafa Dinglasan, residente ng Provident Village sa Marikina City na nalubog sa baha ang bahay, hindi inasikaso ng pamahalaan ang pagkurba sa iligal na quarrying operations.

Kasama si Dinglasan sa libu-libong residente ng Marikina City na binaha ang bahay. Nalubog ang kanyang dalawang palapag na bahay.

Ang Marikina at Taytay sa Rizal ay nagsisilbing catch basins ng baha o rainwater mula sa Rodriguez at San Mateo. Matagal-tagal na rin ang operasyon ng quarrying sa Rizal.