Una sa Balita

Mayor Loot baka matuluyan sa pangatlong ambush — Duterte

0 356

HINDI pa rin naalis ang galit ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Police General at Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot na isinangkot nito sa illegal drug trade.

Sa kanyang talumpati sa oathtaking ng mga bagong halal na opisyal sa Cagayan de Oro City, muling inilahad ng Pangulo ang masamang epekto ng iligal na droga sa bansa at sa bawat pamilya, pati na rin ang mga nasa likod ng pagkalat at paglakas ng illegal drug trade sa bansa.

Isa aniya si Loot sa mga heneral ng Philippine National Police (PNP) na natukoy na nasa likod ng iligal na droga.

Sinabi ng Pangulo na madulas ang alkalde kahit dalawang beses nang pinagtangkaan ang kanyang buhay, pero baka aniya sa ikatlong pagkakataon ay hindi na ito makalusot.

“That son of a bitch General Loot was ambushed twice, but the devil is still alive. Maybe on the third attempt,” anang Pangulo.

Binigyang-diin ni Pangulong Duterte na lumala ang sitwasyon ng iligal na droga sa bansa noong nakalipas na administrasyon dahil kay Loot at da­ting police General Marcelo Garbo, kasama na ang ilang heneral.

Sinabi ng Pangulo na ang mga dating narco-general ang nagpalala sa sitwasyon kaya pati mga ordinaryong pulis ay hindi makakilos dahil sa mga ito.

“The situation worsened during Aquino’s time because of Garbo and Loot. They were the ones lording it over sa region. And even if you ask any of the policemen, they couldn’t act on it because there were nine generals involved,” dagdag pa ng Pangulo. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy