Una sa Balita

Mayor Lani liyamado sa Pulse Asia survey

By
0 412

NAKITA na ang siguradong panalo ni incumbent Taguig City Mayor Lani Caye­tano bilang congresswoman sa 2nd District ng siyudad sa isang survey na inilabas ng Pulse Asia kamakailan.

Sa resulta ng survey ng Pulse Asia Research Inc. mula Enero 20 hanggang 26, 2019, mahigit 81% ng mga rehistradong botante ang pumili kay Ca­yetano, kumpara sa 11% lamang ni Che Che Gonzales.

Ang mga respondent sa survey ay tinanong kung sino ang kanilang napupusuang iboto bilang representante ng 2nd District ng Taguig para sa May 2019 elections.

Si Mayor Lani ay nagwagi sa mayoralty race noong 2010 kontra kay Dante Tinga, ama ni dating Mayor Sigfrido ‘Freddie’ Tinga, na nagsilbi bilang alkalde ng Taguig sa tatlong termino.

Tatlong taon ang nakalipas ay nagwagi muli si Mayor Lani bilang alkalde ng Taguig dahil walang tumakbong kalaban sa halalan.

Sa eleksyon 2019, si Cayetano ay makakatunggali ni Gonzales, dating konsehal na tumakbo rin at natalo kay Pia Cayetano noong 2016 para sa Taguig 2nd District ng Kongreso.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy