Una sa Balita

Mayor laging sablay magdeklara ng class suspension

0 468

PINUTAKTI ng batikos ang isang mayor ng bayan sa Pampanga hindi dahil sa late na itong magdeklara ng walang pasok kundi nag-a-anounce ito ng walang pasok kahit maayos naman ang panahon.

Nito kasing nagdaang bagyong Falcon, bagama’t inulan ang Pampanga ay hindi naman ito masyadong naapek­tuhan ng naturang sama ng panahon. Alas-otso pa lamang nang gabi ay nag-post agad sa Facebook page ang mayor na ito at sinabing walang pasok kinabukasan ang mga bata sa preschool at elementary school.

Subalit kinaumagahan, mahinang ulan lang ang tumama sa naturang bayan at hindi rin malakas ang hangin. Parang normal nga raw ang panahon dahil sumilip ang dakilang araw. Ibig sabihin maaliwalas naman ang panahon.

Pero nang mabalitaan ng mayor na ito na maaa­ring ulanin pa ang Luzon dahil sa paparating na isang low pressure area ay muli itong nagdeklara na walang pasok kinabukasan.

Kaya lang, muling pumalpak na naman ang mayor dahil kinabukasan ay tirik na tirik ang araw at wala namang ulan o malakas na hangin kaya’t labis ang pagkadismaya ng mga magulang.

Pintahan niyo na. Nanalo ng second term ang mayor na ito dahil namili diumano ng boto sa kanilang lugar. May letrang G sa ito sa kanyang apelyido as in ‘go’ lang ng ‘go’ sa pagdeklara ng walang pasok.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy