Una sa Balita

Mayor kinaldag si Jocson

0 914

MULING pinatunayan ni veteran woodpusher Dr. Jenny Mayor na isa pa rin siya sa top exe­cutive chess players ng bansa matapos magkampeon sa Philippine Exe­cutive Chess Association (PECA) 4th leg Alphaland National Executives Chess Circuit Visayas Leg na ginanap sa Kubo Bar Garden and Restaurant sa Kalibo, Aklan, Sabado ng gabi.

Pinagpag ni Mayor si National Master Francis Jocson sa sixth at final round upang itarak ang 5.5 points mula five wins at draw sa six outings.

“First of all I would like to thank God for winning this presitigious national executive chess tournament,” masayang sabi ni Mayor, isang ma­galing na dentista na naka­base sa Quiapo, Manila.

Ibinulsa ni 7-time Philippine Executive Champion Mayor ang top prize na P10,000 plus trophy.

Kabilang sa mga biktima ni Mayor sina Jose Piff Ampuller, John Franz de Asis, Atty. Cliburn Anthony A. Orbe at Santi Jarloc.

Tabla si Mayor kay National Master Wilfredo Neri sa fourth round. (Elech Dawa)