Una sa Balita

Mayor Garin tinanggalan ng kapangyarihan sa Guimbal PNP

By
0 771

INIUTOS ng National Police Commission (Napolcom) na alisan ng kapangyarihan sa lokal na pulisya si Guimbal, Iloilo Mayor Oscar Garin matapos itong masangkot sa pambubugbog ng isang pulis sa kanilang bayan.

Inilabas na kahapon ng Napolcom en banc sa pamumuno ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduar­do Año ang Resolution No. 2018-768 na may petsang Disyembre 28, 2018 na nag-aapruba para bawiin ang deputation authority ni Garin sa lokal na pulis­ya ng Guimbal.

Matatandaang kinasuhan si Mayor Garin at ang anak nitong si Iloilo 1st District Oscar ‘Richard’ Garin, Jr. dahil sa panunutok ng baril at pambubugbog kay PO3 Federico Macaya sa Guimbal Public Plaza noong Disyembre 26, 2018.

Ayon kay Napolcom vice chairman at executive officer Atty. Rogelio Casurao, ang kawalan ng respeto kay Macaya at sa PNP bilang institusyon ng mag-amang Garin ang dahilan para ipag-utos ng Office of the President na isailalim sa agarang imbes­tigasyon at sampahan ng kaukulang kaso ang mga ito.

Kumbinsido aniya ang Napolcom na umabuso sa kapangyarihan si Mayor Garin bilang Napolcom deputy kung kaya’t nararapat lamang na bawiin ang kapangyarihan nito sa lokal na pulisya ng kanilang bayan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More